Miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Basilan

Miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Basilan

SUMUKO sa tropa ng Joint Task Force Basilan ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Kinilala ito na si alyas Muadz, 23 taong gulang, residente ng Barangay Silangkum, Tipo-Tipo, Basilan at miyembro ng ASG sa ilalim ng yumaong si Furuji Indama.

Ibinaba rin niya ang kanyang M1 Garand rifle.

Sinabi ni alyas Muadz na sa pagkamatay ni Indama, mas naging miserable at puno ng takot ang kanyang buhay dahil posible rin siyang mapatay.

Nagpasya aniya siyang sumuko upang mapayapang wakasan ang armadong pakikibaka at magsimula ng isang bagong buhay bilang isang produktibong miyembro ng lipunan.

Si alyas Muadz ay sumailalim na sa custodial debriefing na isinagawa ng 18th Infantry Battalion.

Follow SMNI NEWS in Twitter