Liderato ng Kamara, tiniyak ang mabilis na pagpasa sa SIM Card Registration Bill – Rep. Sandro Marcos

Liderato ng Kamara, tiniyak ang mabilis na pagpasa sa SIM Card Registration Bill – Rep. Sandro Marcos

TINIYAK ng liderato ng Kamara ang agarang pagpasa sa SIM Card Registration Bill.

Ayon kay Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, asahan ng taumbayan ang mabilis na pagpasa sa nasabing panukala lalo pa’t nauna itong naaprubahan sa nagdaang Kongreso ngunit na-veto ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa inserted provisions on social media registration.

“It will pass through the House expeditiously, especially since it already passed on third reading last Congress,” saad ni Marcos sa SMNI News at DZAR 1026 Sonshine Radio.

Ito naman ang reaksyon ni Marcos sa naglilipanang text scams na pati pangalan ng SIM card owner ay nakukuha na ng mga sindikato.

Kabilang naman ang batang Marcos sa mga co-author ng House Bill No. 14 ni Speaker Martin Romualdez para sa mandatory registration ng mga SIM card sa bansa.

Sa ngayon, pasado na sa committee level sa Kamara ang nasabing proposal.

Follow SMNI NEWS in Twitter