Miyembro ng BIFF, sumuko sa militar sa Maguindanao

Miyembro ng BIFF, sumuko sa militar sa Maguindanao

SUMUKO ang isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa tropa ng gobyerno sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ni Lieutenant Colonel Ferdinand Dela Cruz, commanding officer ng 6th Mechanized Infantry Battalion ang sumuko sa pangalang Rosbil, bahagi ng BIFF at miyembro ng Private Armed Group sa ilalim ni Jun Barang.

Ibinaba rin niya ang Ultimax 100 5.56mm light machine gun.

Agad na nag-abot ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat sa ilalim ng Balik-Baril Program.

Sasailalim din si Rosbil sa dokumentasyon para sa pag-iisyu ng nararapat na clearance at mga dokumento para siya ay mapabilang sa Agila-Haven Program.

Pinuri ni Lieutenant General Alfredo Rosario Jr., commander ng AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) ang kanilang mga sundalo, gayundin ang suporta ng LGU at civil society sa kampanya laban sa terorismo.

Follow SMNI NEWS in Twitter