Miyembro ng VMLP, kinondena ang mga pamamaslang sa lokal na opisyal sa bansa

Miyembro ng VMLP, kinondena ang mga pamamaslang sa lokal na opisyal sa bansa

KINONDENA kamakailan ng Vice Mayors League of the Philippines (VMLP) ang pananambang at pagpaslang kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon sa pahayag ng grupo, isang malaking pagsalungat anila ito sa prinsipyo at demokrasya ng isang sibilisadong lipunang pinamamahalaan ng batas.

Kasabay nito ang kanilang panawagan na makuha ng mga pamilya ang hustisya para sa mga biktima ng karahasan lalo na sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan at iba pang nadamay na mga inosenteng mamamayan.

Matatandaang, nito lamang nakaraang mga araw ay halos sunud-sunod ang pananambang at pagpatay sa mga halal na opisyal kung saan nahuli at nasampahan na rin ng kaso ang mga sangkot nito.

Sa kabilang banda, patuloy ang paghahanap ng matibay na impormasyon at ebidensiya ang Philippine National Police (PNP) para sa pagtukoy sa nasa likod ng pamamaslang kay Gov.  Roel Degamo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter