SA game 1 ng final series ng PVL All-Filipino Conference, nakuha ng Petro Gazz Angels ang panalo kontra sa Creamline Cool Smashers.
Mabilis na nakuha ng Angels ang unang dalawang set sa iskor na 25-17 at 25-20.
Nagawang makabawi ng Cool Smashers at itabla ang laro sa 2-2.
Ngunit sa deciding set, nagpakitang-gilas si MJ Phillips na may 3 points, na nagbigay sa kanila ng 3-1 lead.
Sa huli, nagwagi ang Angels sa iskor na 15-10.
Si Phillips ay may kabuuang 16 points, kabilang ang 6 sa deciding set.
Tumulong din sa panalo ng team si Brooke Van Sickle na may 24 points.
Inaabangan na ang Game 2 ng kanilang laban sa Huwebes, kung saan susubukin ng Angels na tapusin ang 4th straight championship win ng Cool Smashers.
Follow SMNI News on Rumble