MMDA, naghahanda sa isang linggong tigil-pasada ng mga transport group

MMDA, naghahanda sa isang linggong tigil-pasada ng mga transport group

NAGHAHANDA na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasama ang Metro Manila Mayors para sa tigil-pasada ng transport groups mula Marso 6 hanggang 12.

Ayon kay MMDA acting Chairman Attorney Don Artes, mas maiging handa kaya nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Interior and Local Government (DILG) para sa libreng sakay.

Sinabi ni Artes na magdedeploy sila ng mga bus upang maserbisyuhan ang mai-stranded na mga pasahero.

Una nang iginiit ng mga transport group na tuloy ang kanilang isang linggong tigil-pasada sa kabila ng pagpapalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa deadline sa mga tradisyunal na jeepney na bumuo ng mga kooperatiba para sa PUV Modernization Program hanggang Disyembre 31, 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter