NAG-inspeksiyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) officials sa loob ng Manila North Cemetery (MNC) ilang araw bago ang Undas.
Naabutan nito ang nagpapatuloy na paglilinis at clearing operations sa loob ng sementeryo ng Manila LGU.
Ayon sa MMDA, meron din silang idineploy na mga personnel para sa paglilinis ng sementeryo at pagsasaayos ng trapiko sa pagdagsa ng mga tao sa Undas.
Ang MNC ang pinakamalaking sementeryo sa buong Kalakhang Maynila.