GUMAWA ng kasaysayan ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.
Ito ay dahil sa mga pagbabagong ginagawa ng mga opisyal ng MMFF.
Kabilang sa mga pagbabagong ito ay ang pagpili ng 4th Best Picture ng board of jurors na ang dahilan umano ay ni-request ng executive committee ng MMFF.
Kasama rin dito ang Parade of the Stars na ginawa noong Disyembre 16- ang pinakamaagang parada na nangyari sa MMFF.
Naging kasaysayan din ito dahil apat ang ginawang host cities – ang Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAWA).
At dahil may bagong gusali ang MMDA sa Doña Julia Vargas Avenue sa Pasig City, ang MMFF 2023 ay kauna-unahang inilunsad dito.
Ibinalik din ng MMFF sa 10 ang official entries sa festival.
Kauna-unahan din sa kasaysayan ng MMFF na ang lahat ng entries ay ipalalabas sa Manila International Film Festival na isasagawa sa Angeles, California ngayong Enero 29 hanggang Pebrero 2.
Sa ngayon ay umabot na sa P1-B ang gross sales ng ika-49 na MMFF.