MAAARI nang makabiyahe ang ilang modernong jeepney, makaraan itong pinabasbasan sa Navotas City, sa ilalim ng Daanghari Modern Jeepney Transport Cooperative.
Ang naturang mga jeepney ay personal pang sinubukan at sinakyan nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco.
Ang naturang mga jeepney na may byahe o rutang Navotas-Monumento at pabalik ay pawang may mga air-conditioned, WiFi, at TV.
Tiniyak naman ng LGU na sa susunod na buwan ay magdadagdag pa sila ng iba pang mga units at ruta upang mas marami pa ang makabiyahe nang maaliwalas, maayos at komportable sa mga pasahero.
Tiniyak din ang pagbibigay ng diskwento sa mga estudyante, senior citizen at may mga kapansanan.