Modernisasyon sa DND, civilian bureaus at AFP, tiniyak ng Defense chief

Modernisasyon sa DND, civilian bureaus at AFP, tiniyak ng Defense chief

TINIYAK ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. ang modernisasyon ng buong Kagawaran, Civilian Bureaus at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kay Teodoro bilang Kalihim ng Defense Department.

Ayon kay Teodoro, kailangan ng “managerial solutions” sa “managerial problems” at hindi “military solutions” sa “managerial problems.”

Kailangan din aniyang mapalakas ang panloob at panlabas na seguridad upang mapangalagaan ang soberanya ng bansa sa gitna ng iba’t ibang hamon.

Kasabay rito, siniguro ni Teodoro ang pagtutok sa reporma sa pension system ng military at uniformed personnel.

Iginiit nito na matagal na proseso ang pension system at kailangang balansehin ang morale at kapakanan ng kasundaluhan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble