MOH-BARMM, nanawagan na manatiling kalmado sa gitna ng 47 na kaso ng Mpox

MOH-BARMM, nanawagan na manatiling kalmado sa gitna ng 47 na kaso ng Mpox

UMAABOT na sa 47 kaso ng Monkeypox ang naitala sa rehiyon ng BARMM mula Mayo 5 hanggang Hunyo 8.

Sa tala ng Ministry of Health, walo rito ang kumpirmado, 32 ang suspected, at pito ang probable.

Kaugnay nito, nanawagan ang MOH sa publiko na manatiling kalmado ngunit alerto sa mga sintomas ng sakit.

Paalala rin na ugaliin ang paghuhugas ng kamay at iwasang makihalubilo sa mga taong may sintomas.

Kasabay ng Eid’l Adha, namahagi ang MOH-BARMM ng tulong gaya ng gamot, bitamina, hygiene kits, at 50 kilong bigas sa mga apektado ng sakit.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble