Monsoon season, posibleng maranasan sa Singapore sa katapusan ng Marso

Monsoon season, posibleng maranasan sa Singapore sa katapusan ng Marso

INAASAHANG babagsak sa 21 celcius ang temperatura sa Singapore dahilan ng maulan na panahon.

Sa ulat ng meteorological service ng Singapore, makararanas ng shower to heavy rainfall ang ilang bahagi ng bansa na magsisimula sa kalagitnaan ng Biyernes at Sabado ngayong linggo.

Paliwanag ng ahensya ang naranasang 225.55mm rainfall sa huling araw ng Pebrero ay ang simula ng monsoon season.

Kumpara sa taong 1995 sa kaparehong buwan ay nasa 157.3mm lang ito.

Samantala, sa unang linggo ng Marso ngayong taon ay posibleng umabot mula 24 hanggang 33 degrees celsius ang mararanasang temperatura sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter