“Moon Music” ng Coldplay, sa October na; 10th album, kauna-unahang “Eco-friendly album” sa mundo

“Moon Music” ng Coldplay, sa October na; 10th album, kauna-unahang “Eco-friendly album” sa mundo

COLDPLAY fans, magkakaroon na muli ng album ang British rock band ngayong taon!

Ang 1oth album na pinamagatang “Moon Music” ay sa October 4, 2024 ang magiging release nito.

And what’s more?

Ang CD editions ng “Moon Music” ay ang kauna-unahang album sa buong mundo na EcoCD.

Ibig sabihin, ang bawat kopya ng album ay gawa sa recycled pet-plastic bottles na ni-recover mula sa post-consumer waste.

Katumbas ito ng 78 percent na carbon dioxide emission reduction.

Ang notebook edition pa nito ay gawa naman sa river plastic.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble