MATAGUMPAY na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang tatlong Top Most Wanted Persons sa magkakahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Bataan at Zambales.
Unang naaresto si John Allen Maras y Rosanto, 18 taong gulang, estudyante at residente ng Brgy. Capitangan, Abucay, Bataan, dakong alas-8:40 ng umaga noong Mayo 29, 2025 sa bisa ng Warrant of Arrest
Siya ang itinuturing na Rank No. 2 Most Wanted Person (Provincial Level) at nahaharap sa kasong paglabag sa section 13 at 14, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Sumunod na operasyon ang isinagawa ng Botolan MPS sa Brgy. Batonlapoc, Botolan, Zambales, kung saan nadakip ang Top 4 Most Wanted Person (Provincial Level) na si alyas “Tom,” 17 taong gulang, estudyante at residente ng Brgy. San Juan, Botolan, Zambales.
Bilang isang menor de edad, siya ay isinailalim sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Botolan.
Sa parehong araw, bandang alas-10:00 ng umaga, naaresto rin sa Brgy. Panilao, Pilar, Bataan ang Top 7 Most Wanted Person (Provincial Level) na si Johnny Gonzales y Solomon, 44 taong gulang na nahaharap sa kasong Lascivious Conduct
Ayon kay PRO3 Regional Director PBGen Jean S. Fajardo ang sunod-sunod na pag-aresto sa mga high-value individuals na ito ay patunay ng determinasyon ng pambansang pulisya sa pagpapatupad ng batas at sa walang patid na pagsisikap na gawing ligtas ang buong Gitnang Luzon para sa bawat mamamayan.