Most Wanted Person ng Calabarzon, arestado sa ‘Oplan Pagtugis’

Most Wanted Person ng Calabarzon, arestado sa ‘Oplan Pagtugis’

SA kulungan ang bagsak ng Most Wanted Person ng Police Regional Office (PRO) 4A sa pinaigting na ‘Oplan Pagtugis’ ng pulisya.

Kinilala ni PNP CIDG director Police Brigadier General Ronald Lee ang akusado na si Rolando Terrado Roque, alyas Marvin Roque.

Si Roque ay naaresto matapos isilbi ang warrant of arrest sa kasong murder na inilabas ng korte sa Calamba City, Laguna nitong Disyembre 12.

Isinailalim na sa booking process ang akusado sa CIDG Laguna Provincial Field Unit.

Pinuri ni General Lee ang kanilang mga tauhan sa matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa Most Wanted Person ng PRO 4A.

Follow SMNI NEWS in Twitter