Most wanted sa Liliw, Laguna arestado sa manhunt operation ng pulisya

Most wanted sa Liliw, Laguna arestado sa manhunt operation ng pulisya

BUMAGSAK sa kamay ng pulisya ang tinaguriang most wanted person sa Liliw, Laguna.

Ito ay matapos ang ikinasang manhunt operation ng Liliw Municipal Police Station sa Brgy. Isabang Lucena City, Quezon Province.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, acting provincial director ng Laguna Police ang akusado na si alyas William residente ng Lucena City, Quezon.

Si alyas William ay nahaharap sa kasong murder at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Iginiit ni Colonel Silvio na ang pagkakaaresto sa akusado ay patunay na hindi nito kayang takasan ang batas.

Patuloy aniya nilang tutugusin ang mga wanted person upang mapanagot sila sa nagawang krimen.

Follow SMNI NEWS in Twitter