KINUMPIRMA ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na ibinasura na ng Department of Justice (DOJ) ang mosyon ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief, Gerard Bantag na mag-inhibit ang panel of prosecutors at ang buong DOJ sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa mediaman na si Percy Lapid at Bilibid inmate na si Jun Villamor.
Ipinaliwanag ni Malcontento na denied ang mosyon ni Bantag dahil sa kawalan ng merito kaya itutuloy pa rin ng DOJ ang preliminary investigation na unang itinakda sa January 24, 2023 at inaasahan na maghahain ng counter-affidavits ang mga akusado.
Matatandaang si Bantag ay sinampahan ng reklamong murder at inaakusahang mastermind sa pagpaslang kay Lapid at Villamor.
Naghain naman ng mosyon si Bantag na mag-inhibit ang DOJ dahil hindi umano patas si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla dahil may nauna na silang palitan ng mga akusasyon laban sa isa’t isa.