ILANG gabi na lang at magaganap na ang Manila International Film Festival (MIFF) Awards sa Estados Unidos, kung saan kabilang sa bibigyang parangal ang yumaong film producer na si Mother Lily Monteverde.
Magaganap na ngayong March 7 sa Los Angeles, California, USA ang 2025 Manila International Film Festival Awards Night.
At kabilang nga sa mabibigyang parangal dito ang late veteran film producer at founder ng Regal Entertainment na si Mother Lily Monteverde.
Ipagkakaloob dito ang Posthumos Monty Manibog Manila International Film Festival Lifetime Achievement Award.
Dahil ito sa malaking ambag ng veteran producer sa industriya ng pelikulang tagalog na tinangkilik ng maraming Pilipino.
Tatanggapin naman ng anak ni Mother Lily na si Roselle Monteverde ang naturang parangal.
Ilan rin sa mga makatatanggap ng awards sa MIFF ay sina Vilma Santos, Ricky Lee at Boots Anson Roa-Rodrigo.