MAKIKITA sa kuha ng CCTV ang paghinto ng isang truck para mag u-turn sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Supa, San Jose, Antique nitong Mayo 14.
Maya-maya pa isang humaharurot na motorsiklo ang bumangga sa truck.
Kita rin sa video na sinubukan pang mag-preno ng rider ng motorsiklo ngunit hindi na kinaya dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito.
Agad na nadala sa pinakamalapit na ospital ang lalaki na mapalad na nakaligtas sa aksidente.