MOU para sa KonSulta Program, nilagdaan ng MMDA at PhilHealth

MOU para sa KonSulta Program, nilagdaan ng MMDA at PhilHealth

NILAGDAAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Health Insurance Corporation-National Capital Region (PhilHealth-NCR) ang isang memorandum of understanding (MOU) para sa pagpapatupad ng Konsultasyong Sulit at Tama (KonSulta Program).

Pinangunahan ang MOU signing nina MMDA acting Chairman Atty. Don Artes, MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana, at PhilHealth NCR Vice President Dr. Bernadette Lico.

Sa ilalim ng partnership, susubaybayan ng MMDA ang pagpapatupad ng KonSulta Program na magagamit ng mga tauhan ng ahensiya at tiyakin ang akreditasyon ng MMDA Medical Clinic.

Dapat magsagawa ang MMDA Medical Clinic ng preventive health services tulad ng health screening at assessment ayon sa yugto ng buhay at health risks ng mga tauhan.

Samantala ang PhilHealth naman ay papasalihin ang akreditasyon ng MMDA Medical Clinic ayon sa mga pamantayan, tuntunin, at pamamaraan ng akreditasyon na nakasaad sa PhilHealth Circular para sa KonSulta Provider Accreditation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter