JOINT winners ng Movie Actress of the Year Award mula sa 40th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards ang tatlong mga beterana sa industriya.
Ang mga ito ay sina Nora Aunor para sa kaniyang “Pieta”; si Maricel Soriano para sa kaniyang “In His Mother’s Eyes”; at Vilma Santos para sa kaniyang “When I Met You in Tokyo”.
Maliban pa ng nabanggit na mga award ay natanggap din nina Nora at Vilma ang Dekada Award kasabay nina Christopher de Leon at Piolo Pascual.
Sa kabilang banda, pawang nakuha nina Alden Richards para sa kaniyang “Five Breakups and A Romance” at Dingdong Dantes para sa kaniyang “Rewind” ang Movie Actor of the Year Award.