NASA 12 na ang kaso ng mpox sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito’y matapos naitala ang karagdagang 2 kaso nitong Lunes, Agosto 26, 2024.
Ikinokonsidera naman ngayon ng DOH ang magkaroon ng online consultation system para sa mpox patients sa buong bansa.
Ayon kay DOH Asec. Albert Domingo, makikipagtulungan sila sa Philippine Dermatological Society para dito.