Mrs. Universe 2023 Meranie Gadiana Rahman, isusulong ang kamalayan sa domestic violence, school bullying at iba pa

Mrs. Universe 2023 Meranie Gadiana Rahman, isusulong ang kamalayan sa domestic violence, school bullying at iba pa

NAIS itaguyod ng bagong kinoronahang Mrs. Universe 2023 na si Meranie Gadiana Rahman ang kamalayan sa domestic violence, postpartum depression at school bullying.

Ayon pa sa Pinay beauty queen, naranasan at napagtagumpayan na niya ang kaniyang mga tinukoy na adbokasiya partiklar na sa postpartum depression at bullying.

Dahil dito, nais isulong ni Meranie na magkaroon ng official day para dito tulad ng domestic violence awareness day, postpartum depression awareness day at school bullying awareness day sa bawat bansa.

At ito aniya ay hihilingin niya sa mga komunidad sa buong mundo.

Si Meranie ay lumaki sa Cagayan De Oro City at nakatira ito sa Hawaii ng ilang taon.

Nagpasalamat naman si Meranie sa karangalan na maitanghal bilang Mrs. Universe 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter