IKINATUWANG lubos ng tatlong Pinay beauty queens ang mga bagong panuntunan sa Miss Universe.
Kamakailan ay inanunsiyo na ng organization ng Miss Universe na tinanggal na ang ipinapatupad na age limit sa mga sasali ng nabanggit na pageant.
Dahil dito, ayon sa organization, maaari nang makasali mula ngayon sa Miss Universe ang mga kababaihan na edad 29-taong gulang o higit pa.
Para kay Miss Universe Philippines 2021 Bea Luigi Gomez, mas nagiging “inclusive” na ang nabanggit na pageant.
Sa panig ni Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold, wala na aniyang “deadline” para sa lahat na nais sumali.
Kay 2019 Reina Hispanoamericana 5th Runner-Up Kat Llegado naman, “abot-kamay” na ang mga pangarap ng mga kababaihan na nais sumali sa beauty pageants lalong-lalo na sa Miss Universe dahil wala nang hahadlang pa na mga panuntunan.