MRT-3, maghahatid ng mas mabilis, ligtas, at maayos na serbisyo simula Hulyo

MRT-3, maghahatid ng mas mabilis, ligtas, at maayos na serbisyo simula Hulyo

NAGLATAG na ng mas mabilis at modernong serbisyo ang pamunuan ng MRT-3 upang mas mapadali ang biyahe ng libu-libong pasahero. Inaasahang ipatutupad ang mga pagbabago ngayong buwan ng Hulyo.

Plano ng MRT-3 na magdagdag ng mga tren upang mapabilis ang biyahe at mapababa ang oras ng paghihintay, lalo na tuwing rush hour.

“Iyong plano nating magdagdag will eventually result to a lesser waiting time ng mga pasahero… maganda at kaaya-aya ang experience nila sa pagsakay sa MRT-3,” ayon kay Engr. Michael Capati, General Manager, MRT-3.

Simula Hulyo, ipatutupad na rin ang cashless payment system. Maaari nang gumamit ng GCash, debit at credit cards, at QR codes sa pagbili ng single journey tickets kaya hindi na kailangan pang pumila para bumili o mag-load ng beep card.

“Ang maganda po rito, na-initialize na natin iyong GCash… iyong debit cards na mas mapapadali ang pagpasok nila at maging kumbinyente sa mga pasahero natin,” ayon kay Engr. Michael Capati.

Mas pinahusay din ang seguridad sa mga istasyon ng MRT-3. Tinanggal na ang mga x-ray machines at pinalitan ng mas maraming security personnel mula sa Philippine Coast Guard, K-9 units, at metal detectors.

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Hulyo 12, may handog na libreng sakay ang MRT-3 mula 7:00–9:00 AM at 5:00–7:00 PM.

Muling pinaaalalahanan ng pamunuan ng MRT-3 ang publiko na sumunod sa mga umiiral na security protocols para sa kaligtasan at kaayusan ng lahat ng mananakay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble