MRT-3, may libreng sakay para sa visually impaired passengers mula Agosto 1-6

MRT-3, may libreng sakay para sa visually impaired passengers mula Agosto 1-6

MAY handog na libreng sakay ang MRT-3 para sa visually impaired passengers mula Agosto 1 hanggang 6 bilang pagdiriwang ng White Cane Safety Day.

Ayon sa pamunuan na MRT-3, kinakailangan lamang magpakita ng valid PWD identification card sa security personnel sa mga istasyon upang makatanggap ng libreng sakay.

Pahihintulutan din ang isang companion o kasama ng pasahero na makasakay nang libre sa mga tren.

Gayunpaman tiniyak ni DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino na patuloy na bibigyang prayoridad ang kapakanan at mga karapatan ng ating visually impaired passengers lalo na sa sapat, mabilis, komportable, at maaasahang transportasyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble