MT Princess Empress permit, pinaiimbestigahan ng PCG

MT Princess Empress permit, pinaiimbestigahan ng PCG

NAGSAGAWA ng isang malalimang imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa MT Princess Empress ukol sa iprinisinta nitong dokumento kaugnay sa pagpayag nitong makapaglayag ulit.

Magugunita na ang MT Princess Empress ay isang oil tanker na naging dahilan sa isang malawakang oil spill sa bansa.

Ayon sa tagapagsalita ng PCG na si Armand Balilo, ipinakita ng MT Princess Empress sa istasyon ng PCG Manila ang isang Certificate of Public Convenience (CPC), na inisyu umano ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Ang CPC ay isang awtorisasyon na ibinibigay sa isang vessel para sa water transportation na pang commercial o public use.

Kung matatandaan, sa pagdinig ng Senado, sinabi ng MARINA na hindi pa sila naglalabas ng inamyendahang certificate sa RDC Reield Marine Services na nagpapahintulot sa kanilang tanker na MT Princess Empress na mag-operate.

Gayunman, nalaman ng mga senador na nakapaglayag ng 9 na beses ang MT Princess Empress kahit walang nasabing permit mula sa awtoridad.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga kinauukulan patungkol sa motor tanker na napag-alamang walang papel upang makapag-operate sa karagatan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter