NINANAIS ng Department of Health (DOH) na makausap ang “Mukbang” content creators para sa isang open consultation.
Kaugnay parin ito sa planong ipatupad ang ban hinggil sa mukbang o anumang eating videos kasunod ng pagkamatay ng isang content creator noong June 14.
Binigyang-diin naman ng DOH na mahigpit nilang pinag-aaralan ang implementasyon nito kung kaya’t hinihingi rin nila ang inputs ng content creators sa isyu.
Bago ang panawagan na ito ay iminungkahi na ng DOH na gumamit ng pinggang pinoy tuwing gagawa ng mukbang videos o eating vlogs.
Sa mukbang ayon sa DOH, isang uri lang ang kinakain subalit kung gagamitan ng pinggang Pinoy na binubuo ng go, grow, at glow foods ay maipo-promote ang healthy eating habits.
Kung ganito ang mangyayari sa ayon sa DOH, maitataguyod ang pagkakaroon ng balanced diet.