Mukbang videos at eating vlogs, posibleng ipagbawal ng DOH sa bansa

Mukbang videos at eating vlogs, posibleng ipagbawal ng DOH sa bansa

POSIBLENG ipagbabawal na ng Department of Health (DOH) sa bansa ang mukbang videos o eating vlogs.

Ayon sa ahensya, bad practice ito dahil hindi maganda sa kalusugan ang overeating.

Ang overeating ayon kay DOH Sec. Ted Herbosa ay sanhi para magkaroon ng hypertension, heart condition, non-communicable disease at maging heart attack ang isang tao.

Tugon na rin ito ng DOH matapos pumanaw ang vlogger na si Dongz Apatan.

Namatay si Apatan matapos kumain ng maraming fried chicken at nagkaroon ng stroke noong June 14.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble