AFFORDABLE rates at de-kalidad na serbisyo ang hatid ng AirAsia sa mga pasahero nito.
Ito nga ang nakikitang dahilan ng AirAsia kung bakit muli silang kinilala bilang World’s Best Low-Cost Airline para sa taong ito.
Sinabi ni AirAsia Head of Communications and Public Affairs and First Officer Steve Dailisan na ang pagkilalang ito ng Skytrax ay batay sa iba’t ibang factors na nakakaapekto sa kaligtasan at ginhawa ng flight ng isang bisita.
Kabilang dito ang mabuting pakikitungo at kahusayan ng Cabin Crew, kaginhawahan sa upuan at kalinisan ng cabin, mga produktong iniaalok sa pasahero at ang kabuuang pagpapahalaga sa pera.
“Grateful kami sa tiwala ng mga guest kasi ito hindi lang sa Pilipinas, kumbaga nasa 21-M mahigit ‘yung na-survery na mga guest all over the world with morea than 300 airlines na participants, labing limang taon na low-cost airline ang AirAsia,” ayon kay Steve Dailisan Spokesperson Airasia, Philippines.
Sinabi din ni Dailisan na ang track record na ito ay magsisilbing inspirasyon para mas lalo pa nilang paghusayin ang kalidad ng kanilang pagserbisyo.
Bilang pasasalamat sa suporta ng mga bisita nito, at para na rin ipagdiwang ang ika-15 taong pagkilala sa kanila bilang World’s Low-cost airline ay nag-aalok din ang AirAsia Philippines ng 15-peso one-way base fare para sa mga booking na ginawa sa lahat ng domestic destination nito mula July 1-7.
Ang International destination ay maaari namanng ma-avail mula 515-pesos hanggang 2,565-pesos.
Ang booking period ay mula July 1 hangang July 7 habang ang travel period ay mula January 1, 2025 – October 8, 2025.
“Bilang pag se-celebrate ng buong AirAsia group sa aming panalo sa Skytrax,meron kaming P15.00 na base- fare sa mga destination naming,so next week meron din kaming panibagong promo,” saad ni Steve Dailisan.