Mungkahi na magbalik-politika si FPRRD, nasa kaniya ang desisyon—Pastor Apollo C. Quiboloy

Mungkahi na magbalik-politika si FPRRD, nasa kaniya ang desisyon—Pastor Apollo C. Quiboloy

BLESSING na maituturing para sa mga Pilipino kung babalik muli sa politika si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang inihayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa kaniyang programang Give Us This Day nitong Miyerkules.

“It would be a blessing to the Filipino people if the President can somehow go back in any capacity and serve the people again. But you know he’s been president, he serve the Filipino people for a long time and we’ll be so glad to at least in a way if he can be convince to do that,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

Magugunita na kamakailan ay kumalat ang mga larawan kung saan makikitang magkakasama ang ilang dating matataas na opisyal ng pamahalaan na sina dating Pangulong Gloria Arroyo,  FPRRD, dating Senate President Tito Sotto III, at Sen. Bong Go.

Kinumpirma naman ni dating Pangulong Arroyo na kinukumbinsi nito si dating Pangulong Duterte na maging aktibo muli sa politika.

Ayon naman kay Pastor Apollo, depende pa rin kay dating Pangulong Duterte kung magdesisyon itong bumalik sa politika dahil nagkaka-edad na ito at kailangan din ng pahinga.

“It’s up to the President. He knows his capacity, he knows his health where he can still be able to do the task of being an active politician in any capacity,” dagdag ni Pastor Apollo.

Nirerespeto naman ng butihing Pastor ang desisyon ng dating Pangulo.

“The bottomline is rest with him. If he decides to do so, the Filipino people would be happy, if he decides not to do so, the Filipino people will be praying for him and his health that he may be given a long life by the Almighty Father,” diin ni Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS on Twitter