NAGBIGAY ng payo sa mga kumakandidato para sa Barangay at SK Elections (BSKE) si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Higit isang milyong kandidato na para sa BSKE ang nag-file ng kanilang certificates of candidacy para sa darating na eleksiyon sa Oktubre.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) chairman George Garcia, inaasahan na ng ahensiya ang mainit na tunggalian sa eleksiyon dahil na rin sa napahabang termino ng Barangay at SK officials dahil na rin sa sunud-sunod na postponement nito.
Kaugnay nito ay mayroon namang payo si dating Pangulong Duterte sa mga kandidatong kwalipikado na tumakbo sa darating na eleksiyon.
“Ang masasabi ko lang is, I am appealing to everybody na if you are qualified, do not mess up with the laws. You file on time and the campaign during the limited period given to us. Do not try to complicate matters by just doing not the right thing. Sundin mo lang ang batas, make the election peaceful, nobody wants to trouble kung magpili lang man ng barangay captain, governor, or mayor bakit pa kayo magpatayan diyan, eh di kampanya na lang kayo, it’s a matter of asking the people to make a choice between you and your opponent and may the best man win,” payo ni FPRRD.
Ani Duterte, dapat ay sumunod lamang ang mga ito sa patakaran na inilatag ng COMELEC upang maiwasan na magkaroon ng problema.
“Just observe the law as an advice, just follow the rules you know there are rules, just follow them, wala tayong problema,” diin pa ng Dating Pangulo.
Samantala, ayon sa dating Pangulo, wala nang kinakailangan pang reporma para sa darating na eleksiyon dahil maayos naman ang sistema ng eleksiyon sa bansa.
“Wala naman, I think everything is incorporated in the election law for any election for that matter national local pati I think barangay,” aniya pa.
Ipinagmalaki naman ni Duterte na kailanman ay hindi nagkaroon ng magulong eleksiyon sa Davao City.
Ito ay dahil palagi nitong nililinaw na dapat ay maging malaya ang mga tao sa pagpili ng mga nais nitong iluklok sa posisyon.
“Dito sa Davao tayo ano we never had a history of violent elections, ako ‘nung kandidato ako samin sinasabi ko talaga sa mga tao, walang pilitan, walang violence, make the people make the right choice,” saad pa ni Dating Pangulong Duterte.
Kaugnay nito, inaasahan naman na higit dalawang milyong COC ang matatanggap ng COMELEC para sa darating na eleksiyon.