ISINAMPA na ng Police Regional Office V Bicol (PRO-5) ang kasong murder laban kay Raymart Martinez, 34 anyos, na itinuturong suspek sa pagpatay sa OB-GYNE na si Dr. Rajean Monnette Romualdez.
Natagpuan ang biktima noong Pebrero 16 sa loob ng kaniyang sasakyan sa Princeton St., Monterey Village, Barangay Concepcion Pequeña, Naga City, na may tama ng bala sa ulo habang nasa passenger seat.
Batay sa imbestigasyon, si Martinez ay dating kasamahan ng biktima sa Bicol Medical Center (BMC) at sinasabing kanyang kasintahan. Nakuhanan sila ng CCTV footage na magkasama bago ang insidente.