MAGTATANGHAL ang Korean Cultural Center (KCC) at National Museum of the Philippines ng musical event na tinaguriang “Cultural Crescendo: Phil-Kor Mini Concert”.
Sisimulan ang pagtatanghal sa Oktubre 3 mula alas-dos hanggang alas-tres ng hapon sa makasaysayang Old Senate Session Hall sa National Museum of Fine Arts.
Mula sa pinagsamang traditional at modernong musika, magtatanghal ang Haru mula sa Korea National University of Arts ng kilalang ‘Fusion Pansori’ at kilalang Korean folk song na ‘Arirang’ at musical instruments na ‘gayageum’ at ‘ ajeang’.
Dadalhin naman ng tugtugang Music Aystatika (tugma) ang mga manonood sa mayamang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga ensemble, mga tradisyunal na instruments gaya ng ‘kulintang at tongatong’ mula sa mga kilalang folk songs na ‘Salidummay’.
Bahagi ito ng selebrasyon ng Museum and Galleries Month sa Pilipinas at ang National Foundation Day of Korea na parehong ipinagdiwang tuwing Oktubre.