Wushu athlete Li Yi, kauna-unahang babae sa kasaysayan ng China na nakasungkit ng ginto sa Asian Games

Wushu athlete Li Yi, kauna-unahang babae sa kasaysayan ng China na nakasungkit ng ginto sa Asian Games

PROUD ang Chinese Wushu athlete na si Li Yi sa kaniyang panalo kung saan siya itinuring na kauna-unahang babae sa kasaysayan ng China na nakasungkit ng gold sa Asian Games.

Ayon sa 31-year old na si Li, ang pagkakasungkit ng gold sa Asian Games ay itinuring niyang ‘perfect end’ sa kaniyang pagiging atleta sa loob ng 20 taon.

Tinalo ni Li Yi na may kabuuang 9.786 score ang Hong Kong athlete na si Liu Xuxu nang 0.03 points lamang.

Sa ngayon, ay patuloy na humahakot ng medalya ang China sa 2023 Asian Games bilang host country.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter