Muslim Cemeteries Act, aprubado na sa Kongreso

Muslim Cemeteries Act, aprubado na sa Kongreso

INAPRUBAHAN ng Kamara ang panukalang batas na naglalayong maglaan ng mga libingan para sa mga kapatid nating mga Muslim, bilang pagkilala at paggalang sa kanilang karapatang panrelihiyon, lalo na sa mga kaugalian ng paglilibing ayon sa tradisyong Islam.

Sa ikatlo at pinal na pagbasa, inaprubahan ng mga mambabatas ang House Bill No. 11461 o “Muslim Filipino Public Cemeteries Act” bago tinanggap ang Senate Bill No. 1273 o “Equal Access to Public Cemeteries Act” bilang amyenda sa naturang panukala.

Sa ilalim nito, inaatasan ang lahat ng lokal na pamahalaan na magtatag ng mga libingan para sa mga Muslim sa kani- kanilang nasasakupan.

Nakasaad din sa Philippine Islamic Burial Act ang pagpahintulot sa agarang paglilibing ng mga Muslim kahit wala pang death certificate, basta’t ang taong nagsagawa ng Islamic burial rites o ang pinakamalapit na kamag-anak ng yumao ay mag-uulat ng pagkamatay sa lokal na opisyal ng kalusugan sa loob ng 14 na araw matapos ang libing.

Sa panukalang ito ay hindi lamang nagsusulong ng pasilidad para sa libinga, kundi sumisimbo ng paggalang, pagkilala, at pagkakaisa para sa mga kapatid nating Muslim sa ating bansang mayaman sa kultura at pananampalataya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble