Mutual support, pinagtibay ng PH Air Force at Army upang magtagumpay sa misyon

Mutual support, pinagtibay ng PH Air Force at Army upang magtagumpay sa misyon

MULING pinagtibay ng Philippine Air Force at Philippine Army ang suporta sa isa’t isa upang maisakatuparan ang kabuuang misyon ng Sandatahang Lakas.

Ito ay kasunod ng pagbisita ni Philippine Army commanding general Lieutenant General Roy Galido sa headquarters ng Philippine Air Force sa Villamor Air Base sa  Pasay City.

Mainit na tinanggap ni Philippine Air Force commanding general Lieutenant General Stephen Parreño ang bumibisitang opisyal ng militar.

Sa kanilang pulong, binigyang-diin ni Parreño ang kahalagahan ng koordinasyon at kooperasyon ng Air Force at Army upang maisakatuparan ang kanilang mandato sa sambayanan.

Pinasalamatan din ni Parreño si Galido sa suporta sa katatapos lang na Interoperability Exercise 02-23 na nagpahusay sa kanilang interoperability, combat readiness, at effectiveness.

Samantala, nagpasalamat naman si Galido sa suporta ng Air Force sa ground troops sa iba’t ibang misyon kabilang ang counter-insurgency operations, disaster response, at search and rescue operations.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter