SI Myla Pablo ang Player of the Game sa naging laban sa pagitan ng Petro Gazz Angels at Capital1 Solar Spikers nitong February 11, 2025.
Dahil ito sa ambag niya na 14 points para sa Angels na nanalo sa naturang match sa iskor na 25-19, 25-18, at 25-9.
Si Brooke Van Sickle ay may ambag naman na 13 points; 7 points mula kay Remy Palma; MJ Phillips na may 6 points; at tig-5 points mula kay Aiza Maizo-Pontillas, Ranya Musa, at Djanel Cheng.
Samantala, si Jema Galanza ang Player of the Game sa sumunod na laban sa pagitan ng Creamline Cool Smashers at Farm Fresh Foxies.
May ambag siya na 15 points para sa Cool Smashers kasabay ang tig-8 points nina Alyssa Valdez at Kyle Negrito; tig-7 points nina Tots Carlos at Bernadeth Pons; at tig-5 points nina Pangs Panaga at Bea De Leon.
Dahil dito, nanalo nga ang Creamline sa iskor na 25-15, 25-19, 27-25 kontra sa Farm Fresh.
Follow SMNI News on Rumble