Nadiskaril na tren, nahatak na; Operasyon, balik-normal na—PNR

Nadiskaril na tren, nahatak na; Operasyon, balik-normal na—PNR

BALIK-normal na ngayong Biyernes ng operasyon ng Philippine National Railways (PNR) matapos maialis ang nadiskaril na tren sa bahagi ng Dela Rosa at EDSA stations sa Makati kagabi.

Ayon sa PNR, ganap na alas onse bente uno ng gabi nitong Huwebes, Abril 20, opisyal nang naialis sa derailment site ang tren.

Bago nito, alas otso bente kagabi nang opisyal na na-inkaril ito sa tulong ng iba’t ibang grupo tulad ng LRT Line 2, MRT-3, at ng pribadong sektor.

Magugunita na noong Martes nang madiskaril ang isa sa mga tren ng PNR.

Lubos namang pinasasalamatan ni PNR General Manager Jeremy S. Regino ang lahat ng mga manggagawa na nagtulong-tulong upang mapabilis at gawing ligtas ang pag ii-inkaril ng tren.

Sa ngayon, dinala na sa Tutuban Station ang nadiskaril na tren.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter