Nagbebenta ng double-dead na karne, dapat maipakulong at ‘di lang pinamumulta—Mambabatas

Nagbebenta ng double-dead na karne, dapat maipakulong at ‘di lang pinamumulta—Mambabatas

IPAKUKULONG ang mapatutunayang nagbebenta ng double-dead na karne o bocha maging ang may sakit na hayop.

Matatanggalan din ng lisensiya o business permit ang sinumang lalabag.

Batay ito sa House Bill No. 7655 ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez.

Aniya, bilang pag-amyenda na rin ito sa Meat Inspection Code of the Philippines dahil pagkumpiska at multa lang ang parusang nakasaad dito.

Sa panukala rin ni Rodriguez, 1 – 2 taong pagkakukulong at P50-K – P500-K ang ipapataw na penalty.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter