NAKAPAGHATID ang dalawang unit ng Kadiwa trak ng Department of Agriculture-Cordillera Administrative Region (DA-CAR) sa Abra ng basic commodities sa mga naapektuhan ng lindol.
Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista, mahigpit na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyakin ang sapat na pagkain sa mga biktima ng lindol.
Kabilang sa dala ng Kadiwa ay ang 3 tonelada ng highland vegetables, dried fish, at iba pang basic food items para sa bayan ng San Quintin, Pidigan, Bangued, Tayum, Dolores, Langangilang, at Bucay.
Namahagi rin ng 100 total value packs ng lowland vegetables seeds galing sa Department Buffer Stock na nagkakahalaga ng P40,000.00.
Ang Kadiwa Mobile Stores ay bahagi ng pagsisikap ng gobyerno upang mabigyang sustansiya at ligtas na pagkain ang mga naapektuhan ng kalamidad.