NAGLABAS ng lightning advisory ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.
Itinaas ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang Lightning Red Alert sa NAIA bandang 10:57 am.
Ayon sa MIAA ang naturang red alert ay isang safety measures upang tiyakin na ligtas ang mga pasahero, personnel at maging ng mga flight operation kapag nakararanas ng ulan sa bahagi ng paliparan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.
Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ang operations sa NAIA terminals.