GAGAWIN sa kinatatayuan ng noo’y Philippine Village Hotel ang magiging Terminal 5 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon ito sa New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) at sa ngayon ay inaantay na lang nila ang demolition permit mula sa Pasay Local Government para sa clearing ng Philippine Village Hotel.
Kung maisagawa na ang clearing ay masisimulan ang konstruksiyon ng NAIA Terminal 5 sa susunod na taon.
Sakaling maitatayo na nga ang bagong terminal, tinatayang makakapag-accommodate ito ng 22 million na pasahero bawat taon.