BUMABA ang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo maging ang bilang ng namatay dahil sa sakit.
Ito ay batay sa latest epidemiological update ng World Health Organization (WHO).
Ayon dito, mula January 23-February 19, nakapagtala ng halos 5.3M na bagong kaso ng impeksyon.
Mas mababa ng 89% sa nakalipas na 28 na araw.
Ito ay 89% na mas mababa kung ikukumpara sa nakalipas na 28 na araw.
Pagdating sa bilang ng namatay dahil sa COVID-19, nakapagtala ang WHO ng 48,000 deaths sa buong mundo.
Mas mababa ito ng 62% sa naitala sa nakalipas na buwan.
Mas mababa ng 62% kung ikukumpara sa nakalipas na 28 na araw.
As of February 19 nakapagtala na ng 757 confirmed COVID-19 cases ang WHO at mahigit 6.8M deaths dahil sa COVID 19.
Pagdating dito sa bansa ayon sa DOH platueing ang kaso ng COVID-19.
Mula Pebrero 13-19, nasa 895 lang na bagong kaso ang naitala sa bansa.
Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 128.
Ang mga bagong talang kaso ng COVID-19 ay mas mababa ng 19% kung ikukumpara sa mga kaso noong Pebrero 6-12.
Sa mga bagong kaso, 3 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Samantala, mayroon namang naitalang 74 na pumanaw kung saan 4 ay naganap noong Pebrero 6-19.