Naitalang COVID-19 cases ngayong linggo mas mababa ng 9%

Naitalang COVID-19 cases ngayong linggo mas mababa ng 9%

NAKAPAGTALA ng 3,127 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa mula January 2-8, 2023.

Ngayong linggo, ang average na bilang ng bagong kaso ay nasa 447.

Ang naturang COVID-19 cases ay mas mababa ng 9% kung ikukumpara sa mga kaso noong Disyembre 26, 2022 hanggang Enero 1, 2023.

Sa mga bagong kaso, 7 sa mga ito ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, mayroon namang naitalang 79 na pumanaw kung saan 17 ay naganap noong Disyembre 26 hanggang January 8.

Follow SMNI NEWS in Twitter