BAHAGYANG mababa ang kabuoang kaso ng dengue na naitala sa Davao del Norte sa unang dalawang buwan ng taong 2025.
Sa ulat, nasa 609 lang ito kumpara sa 615 na kaso sa kaparehong panahon noong taong 2024.
Iyon nga lang, umabot na sa walong pasyente ang nasawi dahil sa sakit.
167 percent itong mataas kumpara sa tatlo na nasawi sa kaparehong panahon noong taong 2024.