UMABOT na sa 23 ang naitalang nasawi dahil sa biglaang pagsabog ng Mount Marapi Volcano sa Indonesia.
Matatandaang bigla lang sumabog nitong Linggo, Disyembre 3 ang Mount Marapi sa West Sumatra Province, Indonesia.
75 climbers ang umakyat dito noong Disyembre 2 at dahil sumabog ang Mount Marapi Volcano ay na-stranded na sila doon.
Nauna nang nai-rescue noong Linggo ang mahigit 50 sa mga climber at nadagdagan pa ng tatlo nitong Lunes, Disyembre 4.