NASA 25 ang bilang ng mga naiulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Egay sa bansa.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes, Hulyo 31.
Sa nasabing bilang, dalawa pa ang kumpirmadong nasawi habang 23 indibidwal ang isinasailalim sa berepikasyon ng mga awtoridad.
May 52 ang naiulat na nasaktan at 20 ang naiulat na nawawala.
Samantala, umabot na sa 654,837 pamilya o 2,397,336 katao ang naaapektuhan ng bagyo sa 13 rehiyon.