SUMAMPA na sa 154 ang bilang ng mga naiulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Paeng.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Biyernes, Nobyembre 4, kung saan pinakamarami ang naiulat na nasawi sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na umabot sa 63.
Tig-33 ang naiulat na nasawi sa Western Visayas at Calabarzon, 5 sa Eastern Visayas, tig-4 sa Zamboanga Peninsula at Soccsksargen.
Habang 3 ang naiulat na nasawi sa Mimaropa, tig-2 sa Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, at Central Visayas at 1 sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Samantala, may naiulat din na 128 nasaktan at 35 nawawala dahil sa bagyo.