Nakabaon na armas at war materials ng kalaban ng estado, narekober sa Palawan

Nakabaon na armas at war materials ng kalaban ng estado, narekober sa Palawan

NAREKOBER ng Joint Task Force Peacock ng AFP Western Command (WesCom) ang pinaniniwalaang huling nakabaon na armas at war materials ng New People’s Army (NPA) sa Roxas, Palawan.

Ayon kay AFP WesCom spokesperson Major Cheryl Tindog, ang mga nakuhang gamit ay binubuo ng isang M16A1 Rifle, magazine, mga bala, bandolier, damit, mga gamot, at medical and dental instruments.

Ang M16 rifle aniya ang ika-17 na baril na nahukay ng WesCom sa lugar ngayong taon.

Napag-alaman na pag-aari umano ni Sonny Rogelio alyas Miggy ang nahukang baril na ginamit niya sa engkwentro sa Sitio Bayugon sa Barangay Nicanor Zabala noong Disyembre 10, 2021.

Pinuri ni AFP WesCom commander Vice Admiral Alberto Carlos ang tropa ng Marines at ang suporta ng komunidad sa matagumpay na operasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter